Site Overlay

Table for One: AlDub's Chicken Fillet Italiana

McDonald’s signature chicken fillet, topped with meaty tomato sauce and melty cheese

“Ikaw lang ang aking mahal…” Ito yung theme song sa commercial na ‘to e. Sure ako, lahat ng AlDub fans na nakakita ng commercial na ‘to na-excite at tinry ‘to agad.
First impression ko dito, “mukhang masarap” kasi di’ba perfect combination ang chicken at spaghetti. Kaso may nakita akong negative feedback sa IG, “hindi daw masarap.” May nagsabi din sa’kin na hindi nga masarap at wag ko na daw i-try. Pero syempre, eto ako, tinry ko pa din. Kasi ang pagkain parang love, “you’ll never know you like someone unless matikman mo na siya este, makilala mo na siya deeply”. Hindi porket ayaw mo, hindi mo na it-try.
So, eto na nga. Masarap naman siya. Masarap yung spaghetti sauce sa chicken fillet kaso medyo maalat, topped with cheese, so point proven (yun talaga ang effect ng cheese). Natuwa ako na may hotdog yung sauce, di ko inexpect, di ba mas masaya pag walang expectations? Just go with the flow lang. Parang nung unang nagkita ang AlDub, hindi nila inexpect yun pero sobrang saya nila at ang dami din nilang napasaya.
Sulit na rin para sa presyo. Pero para sakin, mas okay pa rin ang original, yung walang arte, simple lang at yung subok na.

0 thoughts on “Table for One: AlDub's Chicken Fillet Italiana

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: